Book cover

Mangagsilapit sa Kanya

Mga Himno, 65


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Nilalakbay ko ang gabi, Kapag ako’y nag-iisa, At sa ilalim ng bituin, Ang Diyos aking nadarama. Ako’y sasamo’t luluhod, At sa ’king puso’y may tugon. Pasanin ko’y nawawala, At ang puso’y sumisigla.

2. Sa t’wing ako’y mayro’ng asam At sa Kanya’y sumasamo Kasaguta’y ’di mamasdan, Ngunit batid sa ’king puso. Bisig man N’ya’y ’di madama Sa pagsalanta ng unos, Ako’y ligtas kung sa Kanya Ay mananalig nang lubos.

3. Anupaman ang suungin, O ang magbanta sa akin, Ako’y Kanyang ’nililigtas, S’ya ang tanggulan kong angkin. Sa Kanya ay magsilapit, Kayong mga naninimdim, Kayong hanap ay pahinga, Mangagsilapit sa Kanya!