Book cover

O mga Anak ng Diyos

Mga Himno, 30


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O mga anak ng Diyos, Umawit nang malugod Sa ating Panginoon Na maghaharing lubos. Sa mundo’y mangyayari, Masama’y mapapawi; Kung sala’y mawawala, Buhay ay mapayapa.

2. O laking kagalakan ’Pag si Cristo’y namasdan! Sa Kanyang pagbabalik, Sala ay mapapawi. Aawit ng papuri Sa ating Diyos at Hari! Takot ay mapapalis Sa pusong may pagibig.

3. Tayo’y mananahanan Sa ilaw at kat’wiran; Papuri’y aawitin, Kaligayaha’y atin. Sala ay mapaparam, Ang buong kalikasan T’yak na magmamahalan, Puso’y may kagalakan.