Book cover

Mga Pagpapala ay Bilangin

Mga Himno, 147

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kung ang buhay mo’y puspos ng pighati, Kawalang pag-asa ay naghahari, Mga pagpapala ay bilangin mo; Mamamangha ka sa kaloob sa ’yo.

Pagpapala ay bilangin mo, Mga kaloob ng Diyos sa ’yo. Kilalanin ang bawat isa, Mga pagpapalang kaloob sa ’yo.

2. Pag-aalala ba ay nadarama? Kaybigat na ba ng ’yong dinadala? Mga pagpapala ay bilangin mo; At mapapawi ang alinlangan mo.

Pagpapala ay bilangin mo, Mga kaloob ng Diyos sa ’yo. Kilalanin ang bawat isa, Mga pagpapalang kaloob sa ’yo.

3. Kung iba’y makitang may kayamanan, Pangako ni Cristo sa iyo’y tingnan. Mga pagpapala ay bilangin mo; ’Di mabibilang ang gantimpala mo.

Pagpapala ay bilangin mo, Mga kaloob ng Diyos sa ’yo. Kilalanin ang bawat isa, Mga pagpapalang kaloob sa ’yo.

4. Sa munti ma’t malaking suliranin, H’wag manghihina, ang Diyos ay nasa ’tin. Mga pagpapala ay bilangin mo; Anghel sa langit ang s’yang karamay mo.