1. Tama’y gawin, pagsikat ng araw, Dulot ay kalayaa’t liwanag. Mga anghel sa langit, tumatanod; Sa bawat kilos, gawin ang tama.
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita; Ang kalayaan ay ipaglaban. May tapang na harapin ang umaga; Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
2. Tama’y gawin, hadlang napapalis, Tanikala ay wala nang bisa. Kaligayaha’y dulot ng pag-asa; Katotohana’y sumusulong na.
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita; Ang kalayaan ay ipaglaban. May tapang na harapin ang umaga; Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
3. Tama’y gawin, manampalataya: Magpunyagi, layuni’y tanaw na. Mga luha sa mata’y papawiin At pagpapala’y iyong kakamtin.