Book cover

Sa Kapatagan, sa May Judea

Mga Himno, 130

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sa kapatagan sa may Judea, Mga pastol may natanggap na balita.

L’walhati sa ating Ama, L’walhati sa kaitaasan; Mundo ay pumayapa, Kabutihan sa madla!

2. Kay tamis na awit ng pag-ibig, Ang pahayag ng awa mula sa langit:

L’walhati sa ating Ama, L’walhati sa kaitaasan; Mundo ay pumayapa, Kabutihan sa madla!

3. Panginoon, kami ri’y aawit Na kasama ang mga anghel sa langit:

L’walhati sa ating Ama, L’walhati sa kaitaasan; Mundo ay pumayapa, Kabutihan sa madla!

4. Madaliin, panahong darating Na ang buong mundo’y may isang awitin: