Book cover

Ama, Kami’y Nananalig

Mga Himno, 106


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ama, kami’y nananalig Sa Inyong pangako. Salita N’yo’y tanggapin namin Sa isip at puso.

2. Kami ngayo’y nagsisisi Sa ’ming mga sala, At amin nang pipiliin Ang landas na tama.

3. O Diyos, dalangin po’y dinggin, Magpatawad sana; Bagong buhay ay igawad Maging sa may sala.

4. Sakramento’y aming tanggap Sa ngalan ni Cristo, Nang sa tipan ay makamit, Espiritu Santo.

5. Sa tubig ay ililibing Sa ngalan ni Cristo; At pagbangon, aming dama, Espiritu Santo.

6. O binyagan kami nitong Espiritu Santo, Upang makapiling sila Na naligtas Ninyo.