Book cover

O Diyos sa Langit

Mga Himno, 59


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O Diyos sa langit, sa Inyong pag-ibig, Sana po’y dinggin aming panalangin. Kapayapaan ang dama sa puso; Salamat t’wina.

2. Ang aming puso’y may kapayapaan, At may ligaya, pusong mayro’ng hapis. Aming tiwala sa Inyo’y kay tibay, ’Di nagmamaliw.

3. Diyos n’yaring lahi, nawa’y bawat bayan, May kaligtasan at kapayapaan. Buong daigdig, sa Inyo’y papanig Nang may pag-ibig.