Book cover

Sagradong Himig ay Awitin

Mga Himno, 87


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sagradong himig ay awitin Sa pagsapit ng Pangilin, Upang ang ao-y maginhawahan, At ang Diyos ay mapasalamatan Sa mga biyaya N’yang hatid, Sa mga biyaya N’yang hatid.

2. O araw na limot ang lumbay— Ang walang hangganang buhay Ay pagsikapan nating makamit, At sa sakramento ay makibahagi Bilang pagalala sa ’ting Diyos, Bilang pagalala sa ’ting Diyos.

3. O kaygandang dinggin ng himig Habang ang handog na hatid Ay pusong habag at lumuluha, Bilang pagpapakasakit nating kusa Bunga ng Kanyang pagmamahal, Bunga ng Kanyang pagmamahal.

4. O kay banal ng Panginoon, Wika N’ya’y nakalulugod. Ika’y magsisi upang mabuhay, Ga’no mang lubha ng ’yong pagkakasala, Magsisi’t magpapatawad S’ya, Magsisi’t magpapatawad S’ya.