Book cover

May Pananampalatayang Sumulong

Mga Himno, 163


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. May pananampalatayang Sumulong kang lubos; Itanghal sa mundo na si Cristo’y Anak ng Diyos. Buong pag-asang ihayag Ang wika sa madla, Na bawat tao sa mundo’y Anak ng Diyos Ama.

2. Sumulong nang may pag-ibig, Mundo’y balitaan Ng ligaya sa mag-anak Na magpakailanman. Maglingkod nang buong husay, Biyaya’y ’di asam, Nang bunga ng paglilingkod Sa Diyos ay makamtan.

3. Sulong, iyong ipabatid Yaring ebanghelyo, Nang buhay na walang hangga’y Makamtan kay Cristo. Sumulong, ipangaral mo, Ligaya’t pag-ibig Nag magpapuri sa ’ting Diyos Ang makaririnig.