Book cover

Diyos ang Gabay

Mga Himno, 61


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sa langit, ating dalangin: Diyos ang gabay; Layuning dakila’y atin: Diyos ang gabay. Kabutiha’y nakatala, Tagumpay ang s’yang biyaya: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay.

2. Ulitin, ating pagsamo: Diyos ang gabay; Masawi ma’y ’di susuko: Diyos ang gabay. Tulad ng mga mabuti, Mabigo ma’y mal’walhati: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay.

3. Matatag at matiisin: Diyos ang gabay; Panganib ay susuungin: Diyos ang gabay. Pagsubok, ’di alintana, Langit ang matatamasa: Diyos ang gabay, Diyos ang gabay.