Book cover

O, Makinig, Lahat ng Bansa!

Mga Himno, 165


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O, makinig, lahat ng bansa! Tinig ng langit, nagbabadya! Ang katotohanan ay muling Naipanumbalik!

L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito.

2. Mga bansang nasa karimlan, Ang liwanag ay inaasam. Lahat ngayo’y magsipagdiwang Sa katotohanan!

L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito.

3. Hinirang ng Diyos na magsilbi, Ebanghelyo’y ibabahagi. Itanghal ang katotohanan Sa sangkatauhan.

L’walhati sa kaitaasan, Liwanag ng katotohanan! Gaya ng araw, sinag nito Ang s’yang tanglaw dito.