Book cover

Ako Ba’y May Kabutihang Nagawa?

Mga Himno, 135


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ako ba’y may kabutihang nagawa? Ako ba ay nakatulong na, Nakapagpasaya, nakapagpasigla? Kundi ay bigong talaga. May napagaan bang pasanin ngayon Dahil ako ay tumulong? Ang mga nanghihina, nalunasan ba? Nang kailangan ako’y naro’n ba?

Kumilos at h’wag mangarap Ng biyayang naghihintay. Paggawa ng mabuti ay kaligayahan, Biyaya ng pagmamahal.

2. Sa ngayo’y marami pang maitutulong, Pagkakatao’y naririyan. H’wag mo nang hayaang ipagpabukas pa, Kumilos na at gumawa. Dakila sa tao ang makatulong, Ito ay kahanga-hanga. Ang matulunging tao’y kilala ng Diyos, Bawat kabutihan n’yo’y talos.

Kumilos at h’wag mangarap Ng biyayang naghihintay. Paggawa ng mabuti ay kaligayahan, Biyaya ng pagmamahal.