Book cover

S’ya’y Nabuhay

Mga Himno, 119


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. S’ya’y nabuhay! S’ya’y nabuhay! Itanghal nang may sigla. Nagapi N’ya ang libingan; Ang mundo’y magdiwang na. Malaya na ang tao, Nagtagumpay si Cristo.

2. Halina’t ating awitin, Tagumpay ng ating Diyos! Ang umaga’y masdan natin, Ang liwanag N’ya’y lubos, Ang muling pagkabuhay Ang sagisag na taglay.

3. S’ya’y nabuhay! S’ya’y nabuhay! Langit ay nabuksan na. Sa dilim ng kasalanan, Tayo’y pinalaya N’ya. Nakamit na ang mithi: Pagkabuhay na muli.