Book cover

Pag-asa ng Israel

Mga Himno, 161

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kabataang hukbong Sion, Pag-asa ng Israel, Hudyat ng Pinuno’y masdan, At digmaan ay simulan.

Pag-asa ng Israel, Katotohana’y taglay; Manalangi’t magbantay, Lupigin ang kaaway.

2. Ang kalaban ay kayrami, Gumon sa kasalanan. Pag-asa ng Israel, sulong, Nang tagumpay ay makamtan.

Pag-asa ng Israel, Katotohana’y taglay; Manalangi’t magbantay, Lupigin ang kaaway.

3. Ibagsak ang kamalian; Itanghal ang sandata. Sa bawat hakbang paglusob, Tagumpay ang makukuha.

Pag-asa ng Israel, Katotohana’y taglay; Manalangi’t magbantay, Lupigin ang kaaway.

4. Ang digma’y magwawakas na, Malulupig ang kaaway. Kabataang Sion, sulong, Gantimpala ang tagumpay.