Book cover

O Kayganda ng Templo N’yo, Panginoon

Mga Himno, 180


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O kayganda ng templo N’yo, Panginoong mahal. Kung sa’n sagrado’ng gawain Nating mga Banal. Kay inam bigyan ng tulong, Mga yumao na, Kan’lang espiritu’y buhay At naghihintay pa.

2. O kayganda, Panginoon, N’ya ring ebanghelyo. Ngayong mga huling araw, Muling ’tinuturo. Kayganda ng pananalig, Bunga’y kaligtasan. Alay natin sa yumao Nang sangkatauhan.

3. O kayganda, Panginoon, Pangako N’yong laan. Kung wika N’yo ay susundin, T’yak ang kaligtasan. Kung mag-anak ay ’binuklod Sa templong sagrado, Sila’y kapiling sa walang Hanggang pag-unlad ko.