Book cover

Ako’y May Gawain Pa

Mga Himno, 136


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ako’y may gawain pa, Habang may araw, Sa akin at sa kapwa, Habang may araw. Bawat wikang ’di mabuti, Pipigiling may layunin. Bawat tungkuli’y tutupdin Habang may araw.

2. Ang wika ng pag-ibig, Habang may araw, Dapat sa ’ki’y marinig, Habang may araw. Tutulong sa may kailangan, Sa kapwa’y mamamagitan, Gagabay sa nawawalay Habang may araw.

3. Sa aking paglalakbay, Habang may araw, Diyos ay susunding tunay, Habang may araw. Sala ay pagsisisihan, Babaguhin kamalian Kung biyaya’y makakamtan, Habang may araw.