Book cover

Tutungo Ako Saanman

Mga Himno, 171


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Marahil ‘di sa kabundukan O dagat na may unos, Marahil ay ‘di sa digmaan Ako kailangan ng Diyos. Ngunit kung ako’y tawagin N’ya Sa ‘di kilalang landas, Tugon ko sa Diyos nang buong puso: Saan man ako’y tutungo.

Tutungo ako saan man, O Diyos, Sa kabundukan man o dagat; Bibigkasin ko ang Inyong nais, Susundin ang Inyong utos.

2. Marahil may nais si Jesus Na dapat sabihin ko; Marahil mayro’ng nagkasala Na dapat hanapin ko. O Diyos, kung Kayo’y patnubay ko, Mahirap man ang landas, Tinig ko’y alinsunod sa Inyo: Nais N’yo’y bibigkasin ko.

Tutungo ako saan man, O Diyos, Sa kabundukan man o dagat; Bibigkasin ko ang Inyong nais, Susundin ang Inyong utos.

3. Sa daigdig ay mayro’ng pook Na dapat tunguhin ko, Kung sa’n ako ay maglilingkod Para kay Jesucristo. Tiwala’y lubos sa Panginoon Na iniibig ako, Tapat ang puso na magsisikap: Susundin ko ang utos N’yo.

Tutungo ako saan man, O Diyos, Sa kabundukan man o dagat; Bibigkasin ko ang Inyong nais, Susundin ang Inyong utos.