Book cover

Buhay ay Pagbutihin

Mga Himno, 137


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Buhay ay pagbutihin Sa bawat sandali, Habang mayro’n pang araw, Kumilos nang dagli. ’Pagkat ’di maaaring Araw patagalin, At ang gabi’y ’di natin Maaring pigilin.

2. Ang pagdaan ng oras Ay sadyang kay tulin, MInsang ito’y lumipas ’Di m’aring ulitin. Kung tayo’y ’di maagap, Tayo’ng mawawalan, Dito sa sandaigdigan; Buhay napaparam.

3. Ang tag-araw, lilipas, Ulan ay darating; Ligaya sa ’ting puso, Ay lumilipas din. Magsikap bawat araw, Buhay paunlarin, Nang tayo’y makatulong At sala’y gapiin.

4. Buhay ay pagbutihin, Dito’y katiyakan, Ligtas ka’t may biyaya, Sa ’yong kaagapan. Bawat kilos, gamitin, Katapata’t dunong, Diyos ang sa ’yo’y iibig, At laging tutulong.