1. Jesus ng Nazaret, Aming Hari Na sa kamatayan Ay nagwagi Nilisan ang langit At nag-alay Ng gawaing banal, At ng buhay.
2. Habang ang tinapay Kinakain, Buong galang Kayong Iisipin. Naghirap sa burol Ng kalbaryo; Sa puso’y gunita, Pagdusa N’yo.
3. Habang tinatanggap Ang inumin, Ngalan Ninyo’y aming Pupurihin. Habang buhay, kami’y Patnubayan Hanggang makamtan ang Walang hanggan.