Book cover

Magpatuloy Tayo

Mga Himno, 148


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Magpatuloy tayo sa gawain ng Diyos, Nang gantimpala ay mapasa’tin nang lubos; Sa katuwiran tayo’y makipaglaban, Sandata’y katotohanan.

Sulong, ang kalaba’y harapin; Giting! Diyos ay kaisa natin. ’Di susuko sa wika ng masama, At ang Diyos, ang tanging susundin.

2. Kahit tayo ay mangilan-ngilan lamang, Ang kalaban natin ay ’di dapat urungan; Ikaw at ako’y mayroong kaagapay, Kasama’ng Diyos sa tagumpay.

Sulong, ang kalaba’y harapin; Giting! Diyos ay kaisa natin. ’Di susuko sa wika ng masama, At ang Diyos, ang tanging susundin.

3. Kung gawi’y mat’wid h’wag mahihintakutan, Sapagkat ang Panginoon nati’y nariyan; At sa pagsubok, Banal N’ya’y aaliwin, Totoo’y pagpapalain.

Sulong, ang kalaba’y harapin; Giting! Diyos ay kaisa natin. ’Di susuko sa wika ng masama, At ang Diyos, ang tanging susundin.