Book cover

Tayo Nang Mag-usap Nang Marahan

Mga Himno, 143


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Tayo nang mag-usap nang marahan Sa bahay o kahit saan; Gaya ng mga ibon sa puno, Kay inam nitong pakinggan. Pusong may lumbay liligaya, Dulot ay tapang at sigla. At kung ulap ay makulimlim, Pag-ibig ay paratingin.

Marahang salita ay nagpapasaya, Liwanag ang laging dala. Tayo nang mag-usap nang marahan, Kay-inam nitong pakinggan.

2. Gaya ng pagsapit ng umaga, Diwa’y gigising sasaya; Ang bulong ng bukal na maaya, Indayog n’ya ay kayganda. Kaya’t marahang pag-usapan Ang ating pagkakaibigan, Nang puso sa puso’y magdiwang Bilang tunay na kaibigan.

Marahang salita ay nagpapasaya, Liwanag ang laging dala. Tayo nang mag-usap nang marahan, Kay-inam nitong pakinggan.