Book cover

Panginoon, Kayo’y Laging Susundin

Mga Himno, 164


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Diyos, nawa Kayo’y ibigin, Sundan ang Inyong landas. Aking kapwa ay tulungan Sa gawad Ninyong lakas. O, aking Panginoon, Kayo’y laging susundin.

2. Kapwa ko’y ba’t hahatulan Kung may sala rin ako? May lumbay na ’di makita, Nakakubli sa puso. O, aking Panginoon, Kayo’y laging susundin.

3. Kapatid ko’y iingatan At magbibigay-lakas. Sa nalulumbay kong kapwa, Ang hatid ko ay lunas. O, aking Panginoon, Kayo’y laging susundin.

4. Kapatid nawa’y ibigin Gaya ng pag-ibig N’yo. Ang lakas Ninyo’t patnubay, Laging aasahan ko. O, aking Panginoon, Kayo’y laging susundin.