Book cover

Pag-ibig sa Tahanan

Mga Himno, 183


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kay ganda ng paligid Kung may pag-ibig; May tuwa bawat himig Kung may pag-ibig. Payapa’t masagana, May ngiti bawat isa; Panaho’y maligaya Kung may pag-ibig. Pag-ibig sa tahanan. Panaho’y maligaya Kung may pag-ibig.

2. Ang tahana’y marikit Kung may pag-ibig; Walang galit at inggit Kung may pag-ibig. May rosas sa paligid, Ang mun-do’y isang hardin. Buhay ay anong tamis Kung may pag-ibig. Pag-ibig sa tahanan. Buhay ay anong tamis Kung may pag-ibig.

3. May ngiti’ng kalangitan Kung may pag-ibig; Tao’y nagmamahalan Kung may pag-ibig. Batis ay umaawit. Kay liwanag ng langit, May Isang nakangiti Kung may pag-ibig. Pag-ibig sa tahanan. May Isang nakangiti Kung may pag-ibig