1. Guro, bagyo’y nagngangalit! Mga alo’y kaytaas! Ang langit wala nang liwanag, Kanlungan ay nasaan? Buhay nami’y nanganganib, Pa’nong nahihimbing? May banta na sa ’lalim ng dagat Kami ay malilibing!
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod: Pumayapa. Kahit unos ng karagatan O d’yablo o tao o anupaman, ’Di lulubog ang barkong may lulan Sa Panginoon ng sanlibutan. Lahat sa Inyo ay susunod: Pumayapa; pumayapa. Lahat sa Inyo ay susunod: Pumayapa.
2. Guro, may hapis sa puso, Ako ay nalulumbay. Dibdib ay lubhang may ligalig, Saklolo N’yo’y ibigay! Daloy ng sala at takot Sa ’ki’y bumabalot, At ako’y nalulunod! O Guro, Pawiin N’yo ang salot!
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod: Pumayapa. Kahit unos ng karagatan O d’yablo o tao o anupaman, ’Di lulubog ang barkong may lulan Sa Panginoon ng sanlibutan. Lahat sa Inyo ay susunod: Pumayapa; pumayapa. Lahat sa Inyo ay susunod: Pumayapa.
3. Guro, pangamba’y wala na, Bagyo ay humupa na. Payapa ang tubig sa lawa, At puso’y anong sigla. Nawa Kayo’y manatili, H’wag nang lumisan pa, Maligayang pampang sa sapit, Doo’y magpapahinga.