Book cover

Amang Walang Hanggan

Mga Himno, 104


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Amang Walang Hangganan, Nasa kalangitan, Sa pangalan ni Cristo, Nawa ay basbasan Ang tubig at tinapay Kung puso’y dalisay Nang aming maalala, Banal Ninyong alay.

2. Dakilang pag-aalay, Bilang bayad-sala, Dito ang sakramento Nagsisilbing tanda Nang mapatotohanan, Kanyang pagdurusa, Espiritu’y makamtan, Puso’y magkaisa.

3. Si Jesus na Hinirang, Nang dito’y manaog At buhay N’ya’y inalay Nang tayo’y matubos Wala mang kagandahan Upang S’ya’y naisin S’ya ang Tagapagligtas, Dadalisay sa ’tin.

4. Karunungang kaylawak, Kabanalang balak Upang ang kaligtasan Nati’y maging ganap, At Diyos dito’y nanaog Upang maging tao At namatay S’ya upang Iligtas ang mundo.