1. Aking Amang langit ang tirahan, Sakdal ang kaluwalhatian, Kailan tayo muling magsama Upang mukha Ninyo’y magisnan? Kalul’wa ko, no’n ba’y nanirahan Sa langit na tahanan Ninyo? Sa akin bang unang pagkasilang Ay nakapiling ko Kayo?
2. Dahil sa mal’walhating layunin ‘Pinadala ako sa lupa; Iwinaksi, bawat alaala Ng dati kong mga kasama. Ngunit mayro’ng sa ‘ki’y nagsasabi, “Dito’y isang dayuhan ka lang,” Nadama kong ako ay nawalay Sa langit na pinagmulan.
3. Sa turo ng Espiritu Santo, Kayo ay tinawag kong Ama; At dahil sa Inyong ebanghelyo, Kadahilanan ay batid na. Sa langit ba, ang mga magulang, Nag-iisa’t walang kasama? Ngunit ayon sa katotoha nan, Doo’y mayro’n akong Ina.
4. Sa pagpanaw nitong aking buhay, Sa paglisan dito sa lupa, Ama, Ina, sa pinto ng langit, Nawa kayo’y aking makita. Sa paglaon, kung aking matapos Ang lahat ng Inyong inutos, Sana ako ay pahintulutang Sa piling N’yo manahanan.