Book cover

Halina, Magdiwang

Mga Himno, 122


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Halina, magdiwang Mga nananalig Halina, halina tayo sa Betlehem. Masdan ang hari Ng lahat ng anghel;

Halina at magpuri; Halina at magpuri; Purihin natin si Cristong Panginoon.

2. Kayong mga anghel, Umawit, magpuri; Magsi-awit ang mundo at kalangitan! Sa Diyos —l’walhati Sa kaitaasan;

Halina at magpuri; Halina at magpuri; Purihin natin si Cristong Panginoon.

3. Kayo’y binabati Sa Inyong pagsilang, Jesus, lahat ng l’walhati ay sa Inyo. Ang Bugtong ng Diyos Na ngayo’y ‘sinilang;

Halina at magpuri; Halina at magpuri; Purihin natin si Cristong Panginoon.