Book cover

Wikang Banal ng Pag-ibig at Katotohanan

Mga Himno, 169

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Wikang banal ng pag-ibig At katotohanan, Gabay natin, mula sa Diyos, Tungong kalangitan.

Wika ng pag-ibig Ng Diyos na nasa langit, O kay tamis na marinig, Ang wika ng pag-ibig.

2. Tinuran ng Apostoles Na’ting ’ginagalang; Sila sa’ti’y nagtuturo Ng pagmamahalan.

Wika ng pag-ibig Ng Diyos na nasa langit, O kay tamis na marinig, Ang wika ng pag-ibig.

3. Propeta ang nagbibigay, Payo ng Diyos sa ’tin. Sala na-ti’y ’tinatatwa, Buti’y pinupuri.

Wika ng pag-ibig Ng Diyos na nasa langit, O kay tamis na marinig, Ang wika ng pag-ibig.

4. Sa bawat taong hinirang Na nagsasalita; Espiritu ang s’yang gabay, Hatid ay biyaya

Wika ng pag-ibig Ng Diyos na nasa langit, O kay tamis na marinig, Ang wika ng pag-ibig.

5. Tila hiyas, kumikinang, Puspos karunungan; Wikang banal ng pag-ibig, Sundin kailan pa man.