Book cover

Sabihin, Ano ang Katotohanan

Mga Himno, 173


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sabihin, ano ang katotohanan? Sa mundo’y pinakamaganda. Halaga’y higit pa sa lahat ng yaman Kung maging ang koronang pinakaasam Ay mistulang walang halaga.

2. Katotohana’y pinakamaningning Na gantimpalang mahahangad. Ito ay sa kailaliman mo hanapin, O kaya’y sa kaitaasan mo tunguhin, Asam na pinakamarangal.

3. Ang kapangyarihan ng maniniil, Mapapawi ng katarungan, Ngunit katotohana’y mananatili, Unos at sigwa’y ’di ’to kayang magapi, Tanggulang kay tatag kailanman.

4. Katotohanan ang huli at una, ’Di mababago ng panahon. Langit ma’y pumanaw, at mundo’y magiba, Ang katotohana’y hindi masisira; Buhay nati’y ito ang layon.