1. O awit ng puso, Ating aawitin Sa muli nating pagtatagpo. Sa piling ng mga Pinagpalang madla ’Di na tayo pa maglalayo! Sa’ting pagtatagpo, O awit ng puso, Ang ating aawitin dito.
2. ’Di man maibigkas Ang kaligayahan, Tayo’y aawit at sisigaw, Sa pagbating halik Yakap na kay higpit Ng yumaong mahal sa buhay; Sa pagbating halik At ligayang sambit Ng yumaong mahal sa buhay.
3. Mga pangitaing Ating matatanaw, ’Di maibigkas ng Isipan. Ngunit ating galak Sa kalul’wa’y ganap Sa awit ng puso ay wagas; Ngunit ang ligaya Sa’ting makikita, Nasa awit ng pusong wagas.
4. O anong awitin! O anong pagtanggap! Ang doo’y ating maririnig. Puso nati’y galak, Sa ating pagyakap Sa ating magulang sa langit! Puso nati’y galak, At awiti’y ganap Sa magulang natin sa langit!