Book cover

O Mga Sundalong Sakop ni Cristo

Mga Himno, 149


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. Panginoong Cristo Ang mamumuno, Sugod sa digmaan At h’wag susuko!

O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo.

2. Sa ating pagsulong, Diablo’y aatras; Tayo’y magpatuloy Hanggang sa wakas. Imp’yerno’y may takot Sa ’ting pag-awit, Iangat ang tinig, Hanggang sa langit.

O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo.

3. Hukbong kaydakila, Simbahan ng Diyos; Landas nating tahak, Sagradong lubos. Ating mga puso’y Nagkakaisa Sa doktrina’t pag-ibig At sa pag-asa.

O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo.

4. Sulong, mga tao, Sa ’miy umanib; Tagumpay at awit, Tinig ay tigib. L’wahati’t papuri Sa Haring Cristo, Magpakailanman ay Alay ng tao.

O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo.