Book cover

Panalangi’y Mithiing Tunay

Mga Himno, 81


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Panalangi’y mithiing tunay Ng ating kalul’wa, Binibigkas man o sa puso mo ay taglay, Nag-aalab sa t’wina.

2. Panalangi’y buntong-hininga, Pagtulo ng luha. Ang pataas na pagsulyap sa kalangitan ’Pag Diyos ang s’yang kasama.

3. Panalangin ang unang wika Na sambit ng paslit. Panalangi’y kaytamis at anong dakila Na aabot sa langit.

4. Ang panalangin ang hininga Ng bawat Krist’yano. Huling himakas n’ya sa may huling hantungan, Kung sa’n langit ang tungo.

5. Panalangi’y tinig ng tao Na dati’y may sala. Ang mga anghel, nagdiriwang, umaawit, ’Pagkat nagsisisi s’ya.

6. Sa dalangin, ang mga Banal Ay nagkakaisa Sa isip, wika at gawa, habang kapiling Ng Diyos Anak at Ama.

7. Dalangi’y ’di lamang sa mundo, Mayro’ng sumasamo. Espiritu Santo, maging si Jesucristo, Nagtatanggol sa tao.

8. Katotohanan, Buhay, Daan, At Bugtong ng Ama, Landas ng dalangin, Inyong tinahak minsan, Ako’y turuan t’wina.