Book cover

Panalangin ng Pasasalamat

Mga Himno, 51


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Tayo’y nagtitipon upang manalangin; At ang biyaya ng Diyos ang S’yang hiling. Hinahayag t’wina, Kanyang kagustuhan. Purihin, at tayo’y pinapatnubayan.

2. Diyos ang gabay natin at laging kapiling, Sa kaharian N’ya’y nangangalaga. Mula’t sapul, tagumpay ay gawad sa ’tin; Tulong N’yo’y kay laki; Inyo ang l’walhati!

3. Kami’y nagpupuri, pinunong kay giting, Ipagtanggol sana kami sa t’wina. Sa paghihirap ay tulungan N’yo sana; Ngalan N’yo’y purihin! Kami’y bigyang laya!