Book cover

Lakas Mo ay Idagdag

Mga Himno, 154

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kailangan ng mundo’y taong Handa na mag-ambag; Sa gawaing kaydakila, Lakas mo ay idagdag.

Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag.

2. Simbaha’y nangangailangan Ng pusong may habag, At ng kamay na daramay. Lakas mo ay idagdag.

Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag.

3. H’wag mong sayangin ang oras, Kailangang magsipag. Kasalanan ay pawiin; Lakas mo ay idagdag.

Lakas mo ay idagdag; gumawa, Tungkulin mo ay gawing may sigla. Walang dapat magpabaya, Lakas mo ay idagdag.

4. Kumilos ka at magdasal, Palaging magmatyag. Buong giting magpunyagi; Lakas mo ay idagdag.