Book cover

Manunubos ng Israel

Mga Himno, 5


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Manunubos ng Israel Na aming galak; Hiling sa Inyo’y biyaya. Kanlungan s’araw, Sa gabi ay tanglaw, Hari at Tagapagligtas.

2. S’ya’y darating nang Kanyang Tupa’y tipunin; Sa Sion sila’y dadalhin. Bakit tatangis Sa lambak ng lumbay, O maglagalag sa ilang?

3. O kay tagal nalulong Sa kasalanan; Kami sa ’Nyo’y sumasamo. Galak ng k’away Ang hirap at lumbay Ngunit Israel lalaya na.

4. Balitang kayganda sa Atin sa Sion, Tanaw na’ng mga sagisag. H’wag nang mangamba Ati’y kaharian, Pagtubos ay malapit na.

5. O Manunubos, tanglaw Ninyo’y ibalik, Ginhawa’y igawad sa ’kin; Ang pagnasa kong Tahanan N’yo’y masdan, Pag-asa’ng dulot sa akin.

6. Sa pagsulyap N’ya, mga Anghel nagdiwang, Kanyang tinig hinihintay; Kawalang-hangga’y Puspos ng tinig N’ya, Papuri sa Diyos alay.