Book cover

Kay Tahimik ng Paligid

Mga Himno, 125


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kay tahimik ng paligid! Sa gabing marikit, May tanging sanggol na ’sinilang Ng isang birhen sa sabsaban, Payapang natutulog. Payapang natutulog.

2. Kay tahimik ng paligid! Manghang nagmamasid, Mga pastol, galing sa bukid, Sa mga anghel, umaawit: Si Cristo’y isinilang! Si Cristo’y isinilang!

3. Kay tahimik ng paligid! Ang badya’y pag-ibig Ng sanggol na galing sa langit. Kaligtasan natin ang hatid Sa pagsilang ni Cristo; Sa pagsilang ni Cristo.