1. Awit sa paglisan, Himig pagsamba, Himig na papuri Sa ’ting Diyos Ama. Sa wagas N’yang tulong, At pagmamahal, S’ya’y pasalamatan Sa tuwing Sabbath.
2. Purihin ang awa At pag-ibig N’ya, Sa mga biyaya Na handog t’wina. May galak na tinig Ay iparinig. S’ya ang aalayan Ng ating himig.
3. Jesus, Manunubos, Papuri’y dinggin, At nawa’y pakinggan Aming dalangin: Sa mali’y iadya, Patnubayan N’yo; Nang sa araw-araw, Maglingkod sa ’Nyo.