Book cover

Kapayapaan ang Dulot N’yaring Ebanghelyo

Mga Himno, 13


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kapayapaan ang dulot N’yaring ebanghelyo. Liwanag n’ya’y nagniningning Sa puso ng tao.

2. Mga batas na sagrado Ay galing sa Ama. Kanyang dakilang pagibig Dito’y nadarama.

3. Maling paniniwala at Hindi pananalig, Mapapawi kung kat’wiran Ang s’yang mananaig.

4. Tayo nawang S’ya’y kilala, Sa sala’y umiwas. Nang dalisayin tayo ng Espiritung wagas.

5. Ang lakas ng manunukso’y Dagling naglalaho, Alita’y ’di kayang kitlin, Ligaya ng puso.

6. Bahaging ating natanggap, Daragdagang lubos; Ang lahat ay ibabalik Sa ’tin ng Haring Diyos.

7. Magtiis tayo’t magsikap, Kay Cristo’y manalig, Nang kaligtasa’y makamit Sa Kanyang pagbalik.