Book cover

O Kaylugod na Gawain

Mga Himno, 89


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O kaylugod na gawain, O Diyos, Kayo’y pupurihin, Pagibig N’yo’y a awitin, Ang totoo’y aalamin.

2. O kaylugod na pangilin Ang pangamba’y ’di daramhin. Puso ko sana’y kahimig, Banal na alpa ni David

3. Sa Diyos puso’y may tagumapy, Wika’t gawa’y anong husay. Biyaya N’yo ay kayringal! Payo N’yo ay sakdal banal!

4. Ngunit bawat kong tagumpay Ay sa inyo iaalay, Sa araw na Kayo’y masdan At sa piling N’yo manahan!

5. Kasalanang hadlang noon, ’Di na gagambala ngayon. Dadaigin ang kahinaan, Lulupigin, kasamaan.

6. At akin ding makakamtan Doon ang pinakaasam, Kapangyarihang kaytamis Sa walang hanggan N’yong langit.