Book cover

Patotoo

Mga Himno, 79


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang saksi ng Espiritu, Na sa ’ki’y hinayag, Ang nagpalapit sa akin Sa Diyos na marilag.

2. Tantong Kayo’y nasa langit, At si Cristo’y Hari. Tantong may propetang laging Gumagabay sa ’min.

3. Lumuluha’t puso’y tigib, Espiritu’y dama. Buhay ko’y panibaguhin, Puso’y bigyang sigla.

4. Patotoo sa puso ko’y Sagot sa pasakit. Langit ay nasilayan ko Kahit ilang saglit.