Book cover

Ang Araw ay Sumisikat

Mga Himno, 29


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Araw, sumisikat, mundo’y gumigising, Ulap ng kadilima’y napaparam. Sa bawat ibayo, mundo’y maligaya, Sinasalubong, araw na kayganda.

O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo.

2. Mga banal ay magtitipon sa templo Upang iligtas ang mga yumao. Maligayang mga kaibiga’y makita’t Makapiling sa araw na kayganda.

O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo.

3. Laging isabuhay ang aral na tunay, Laan ng Diyos para sa ’ting paglakbay. At O kayligaya! Ating makikita Si Cristong Diyos sa araw na kayganda.

O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo.

4. Ating samahan ay banal at dalisay, At sa piling ni Cristo’y mamumuhay. Hanggang bawat bayan ay ating kasamang Magpupuri sa araw na kayganda.

O araw na maginhawa, Pagsikat mo’ng aming nasa. Purihin ang liwanag mo, O umaga ng milenyo.