Book cover

Ang Panginoon Ay Pastol Kong Tunay

Mga Himno, 62


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang Panginoon ay pastol kong tunay, Bawat kong kailangan ay Kanyang alay: Sariwang pastulan, tubig na dalisay. Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay; Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay.

2. Kahit na saang dako sa kadiliman, Dahil sa paglingap, ako’y panatag. Ililigtas t’wina ng aking tanggulan; ’Di mapapahamak sa Inyong piling, ’Di mapapahamak sa Inyong piling.

3. Sa aking dalamhati ay may ginhawa. Sa Inyong kalinga, biyaya’y puspos. Ako ay hinirang, sa’ko’y nagtiwala; Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa, Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa.