Book cover

May Liwanag sa ’King Kaluluwa

Mga Himno, 141

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. May liwanag sa ’king kalul’wa, Tila sinag ng araw; Kay Jesus tanging nagmumula, Ningning na dalisay.

May liwanag, may liwanag T’wing ako’y payapa’t masaya. T’wing si Jesus ay kasama, May ningning sa kalul’wa.

2. May awitin sa ’king kalul’wa, Alay sa aking Hari; At si Cristong Diyos, Kanyang dinig, Tahimik kong himig.

May liwanag, may liwanag T’wing ako’y payapa’t masaya. T’wing si Jesus ay kasama, May ningning sa kalul’wa.

3. Tagsibol na sa ’king kalul’wa, T’wing kapiling ko ang Diyos; May kapayapaan sa puso, Biyaya N’ya’y lubos.

May liwanag, may liwanag T’wing ako’y payapa’t masaya. T’wing si Jesus ay kasama, May ningning sa kalul’wa.

4. May galak sa aking kalul’wa, Pagpupuri’t pag-ibig, Sa biyayang aking nakamit At pag-asang langit.