1. Kayrami man ng pagsubok, Sulong, mga Banal ng Diyos! Ang araw ng pagkabuhay Sa ’ting mundo ay sisilay; Sa ’ting mundo ay sisilay.
2. Pasakit ma’t pagdurusa Ang sa ngayo’y nadarama, Si Cristo ay darating na, At S’ya’y muling makikita, At S’ya’y muling makikita.
3. Ang Diyos Ama ay purihin, Magdiwang nang walang hanggan. Laganap man ang pagsubok, Si Cristo ay may tinuran, “Sa ’ki’y may kapayapaan.”
4. Kahit tayo ay apihin, At pag-aari’y agawin, Pangako ng Diyos ay tapat; Layunin N’ya’y matutupad. Layunin N’ya’y matutupad.
5. Sumusulong ang gawain \At dakilang pangyayari; Kahariang huling araw, Ay l’walhati ang hatid, Ay l’walhati ang hatid.
6. Galit ng Diablo’y ‘di pansin, Wika ng pro-pe-ta’y dinggin. Tulad ng luk-lu-kan ng Diyos, Ito’y ‘di kayang itatwa, Ito’y ‘di kayang itatwa.
7. L’wal-hati sa Kanyang ngalan, S’yang nagsugo sa propeta nang maihayag ang balita Ng kaligtasan sa mundo, Ng kaligtasan sa mundo.