1. Noon, sa may kalangitan, Si Cristo ay inatasan Upang mundo ay sagipin; “Ama, Kayo ang susundin.”
2. S’yang Hari ng mga Hari, Langit, iniwan N’yang dagli. Dito’y naging masunurin, “Ama, Kayo ang susundin.”
3. Korona mang tinik, o krus, Lahat binata ni Jesus. Sariling nais ’di pansin, “Ama, Kayo ang susundin.”
4. Tubig, tinapay ay tanggap Nang maalala S’yang ganap. Nang tulad N’ya’y idalangin: “Ama, Kayo ang susundin.”