Book cover

Awit ang Papuri sa Pag-ibig

Mga Himno, 105


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Awit ang papuri sa pag-ibig Ni Cristo na nilisan ang langit. Ayon sa plano, mundo’y tinungo At nagdusa para sa tao.

2. Kay-inam magkita t’wing pangilin, At sa paraang ’tinakda sa ’tin, Mga sagisag N’ya ay tanggapin, Pananalig ay pagtibayin.

3. O sagradong oras ng pag-ibig! Ang magkakaibigan, magniniig. Kanyang biyaya’y ginugunita, Sa papuri’y nagkakaisa.

4. Pagkat si Cristo, d’on sa Kalbaryo, Pumanaw upang tubusin tayo. Hosana’y awitin sa ngalan N’ya, Purihin ang Kanyang pagsinta.