Book cover

Tapat sa Pananampalataya

Mga Himno, 156

0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kabataan ba ng Sion, Tama’y ’di ’paglalaban? Sa pagsugod ng kaaway, Sila ba ay aatras? Hindi!

Sa katotohana’y may katapatan, Pananampalataya’y ipaglalaban, Utos ng Diyos ay susundin. Buong puso ang katapatan.

2. Batid nating kadilima’y Laban sa gawa ng Diyos, Kabataan bang pangako’y Titigil sa pagsunod? Hindi!

Sa katotohana’y may katapatan, Pananampalataya’y ipaglalaban, Utos ng Diyos ay susundin. Buong puso ang katapatan.

3. Kaligtasan ay kakamtin, Totoo ay susundin. Buong pusong magsisikap, Laging mananalangin. Oo!

Sa katotohana’y may katapatan, Pananampalataya’y ipaglalaban, Utos ng Diyos ay susundin. Buong puso ang katapatan.

4. Ang kaharian ni Cristo’y Ating pagsisikapan, Upang maligtas sa piling Ng Kanyang kinalugdan. Oo!