1. Ang katotohanan sa ’tin Ay naipadarama, Kung utos ay ’di susundin, Pighati sa may sala! Kapwa mo’y h’wag hahatulan, Payo sa ’tin ni Jesus; Anumang sa ’yo’y igawad, Tanggapin mo nang lubos.
“Tagapagligtas na tunay, Kami po ay gabayan Nang Kayo ay makapiling Doon sa ka langitan.”
2. Si Jesus sa ’ti’y nagwika, “Magpakumbaba kayo.” Kung nais maging dalisay, Mag mahal nang totoo. Sa t’wina’y ating sikapin, Mga utos N’ya’y sundin, Nasa tama kang landasin Kung kapwa’y mamahalin.
“Tagapagligtas na tunay, Kami po ay gabayan Nang Kayo ay makapiling Doon sa ka langitan.”
3. Minsan sa kapwa’y sinabi, “May dumi sa ’yong mata; Sa ’kin ’ya’y ipaalis kung Kaibigan kang talaga.” Ngunit nang aking hanapin, Ang dumi’y ’di makita; Yun pala ay mas marungis Ang sarili kong mata.
“Tagapagligtas na tunay, Kami po ay gabayan Nang Kayo ay makapiling Doon sa ka langitan.”
4. Kung kapwa’y mahal kong tunay At dumi’y aalisin, Higit na magliliwanag Ang matang maramdamin. Kapwa ko’y pinagsabihan Dahil sa munting dumi, Luha ko nawa’y pumawi Ng sala kong kaylaki.
“Tagapagligtas na tunay, Kami po ay gabayan Nang Kayo ay makapiling Doon sa ka langitan.”
5. Ang pag-ibig ay ginhawa At lunas sa paningin, Pagpintas sa aking kapwa Ay ’di tamang gawain. Pangamba’y limot kay Cristo, Pag-ibig N’ya’y nasa ’kin. Sala ng kapwa’y munti kung Sa akin ihahambing.
“Tagapagligtas na tunay, Kami po ay gabayan Nang Kayo ay makapiling Doon sa ka langitan.”