Book cover

Pasulong Tayo sa Luwalhati

Mga Himno, 142


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Pasulong tayo sa l’walhati Nang korona’y makamtan. Ang panangga ay pag-ingatan, H’wag bitiwan magpakailanman.

Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin.

2. Araw-araw sa ’ting pagsulong, Tungo ay kalangitan. Mabuting gawa’y maglalapit Kung saan korona’y kakamtan.

Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin.

3. Mga tinubos ang kapiling Tungo sa kaharian, Sa Panginoo’y magpupuri, Lakas N’ya’t awa’y makakamtan.

Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin.