Book cover

Para sa Inyo Kami’y Nagdarasal

Mga Himno, 17


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal, O propeta naming minamahal, Na mabigyang ligaya at ginhawa, Habang mga tao’y lumilipas Liwanag N’yo sana’y ’di kukupas.

2. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal, Nang buong puso at pagmamahal, Upang bigyang lakas sa ’Nyong gawain Nang sa t’wina kami ay payuhan, At tanglawan nawa aming daan.

3. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal, At taimtim yaring pagmamahal. Pakikinggan ng Diyos, aming dalangin Inyong kailanga’y ibibigay, Bibiyayaan N’ya habang buhay.